Mga Tanyag Na Bulusanon SA Iba’t Ibang Larang: Isang Pagkilala

Main Article Content

Marivic Garote*, Felisa D. Marbella

Abstract

Natiyak sa pag-aaral na ito ang mga Bulusanon na naging tanyag sa iba’t ibang larang. Kwalitatib-deskiritib-analisis ang disenyong ginamit sa paglikom ng mga datos na kinakailangan sa pananaliksik upang malaman ang buhay at mga kontribusyon ng mga tanyag na Bulusanon sa iba’t ibang larang. Nagsagawa ng pormal na pakikipanayam sa mga malalapit na kamag-anak, kakilala at kaibigan upang masagot ang mga katanungan na kakailanganin sa pangangalap ng datos. Ang mga nalikom na datos ay sinuri at binigyang interpretasyon sa pamamagitan ng pag-aanalisa at pagbibigay interpretasyon sa mga nakuhang impormasyon.


Ang naging konklusyon ay mayroong 15 na tanyag na Bulusanon ang may naiambag sa larang kasaysayan ,edukasyon, literatura at panitikan,sining at pampalakasan/isports. Dalawa (2) sa larang ng kasaysayan,apat (4) sa larang ng edukasyon, dalawa (2) sa larang ng literatura at panitikan,dalawa (2) sa larang ng sining at apat (4) sa larang ng pampalakasan/isports. Mahalaga ang ambag ng mga tanyag na Bulusanon sa bayan ng Bulusan sa larang ng kasaysayan, edukasyon, literatura at panitikan, sining at pampalakasan/ isports. May iba’t ibang ambag ang mga tanyag na Bulusanon sa larang ng kasaysayan, edukasyon, panitikan at literatura, sining at pampalakasan/isports na mahalaga sa edukasyon, lokal na pamahalaan at komunidad.


Inirerekomenda na bigyang pansin ng lokal na pamahalaan ang mga ganitong uri ng pag-aaral at makibahagi upang makilala at mapahalagahan ang mga ambag ng mga Bulusanon sa larang ng kasaysayan, edukasyon, panitikan at literatura, sining at pampalakasan/ isports upang magkaroon sila ng pagkilala at parangal. Hikayatin ang mga guro na ipakilala sa smga mag-aaral ang mga Bulusanon na may naiambag sa iba’t ibang larang bago ipakilala ang iba pang mga Pilipino na may naiambag sa kanilang lalawigan at sa bansa. Mahalagang alamin at pahalagahan ang ambag ng mga tanyag na Bulusanon sa iba’t ibang larang upang malaman ang kahalagahan nito sa edukasyon,lokal na pamahalaan at komunidad.

Article Details

How to Cite
Marivic Garote*, Felisa D. Marbella (2022) “Mga Tanyag Na Bulusanon SA Iba’t Ibang Larang: Isang Pagkilala”, International Journal of Current Research in Science and Technology, 8(02), pp. 10–24. doi: 10.57181/ijcrst.v8i02.48.
Section
Original Research Articles