Akademik Performans Ng Mag-Aaral SA Filipino SA Baitang 9

Main Article Content

Arabelle D. Jepsani*, Felisa D. Marbella

Abstract

Natiyak Natiyak sa pag-aaral na ito ang antas ng akademik performans ng mga mag-aaral sa Filipino sa Baitang 9 sa Lungsod Sorsogon, taong panuruan 2021-2022. Deskriptib-analisis ang ginamit ang disenyong ginamit  ng mananaliksik sa paglikom ng datos. Purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng kalahok mula sa tatlong paaralan na nabibilang distance learning modality sa lungsod ng Sosrsogon. Isandaan at limampung (150) mga mag-aaral ang respondents. Sa pag-alam ng akademik performans ng mag-aaral batay sa FILIPINO gumamit ang test at sarbey ang mananalisik. Nagsagawa ng interbyu ang mananaliksik sa mga mag-aaral at guro upang mapagtibay ang magiging konklusyon ng pag-aaral. Ang mga datos na nakalap ay binigyang interpretasyon gamit ang , Chi-square at mean.


 Ang akademik performance ng mga mag-aaral sa Filipino sa Baitang 9; sa Panitikan at Balarila ay parehong di-gaanong mahusay ngayong nasa ilalim sila ng distance learning.


May mahalagang pagkakaiba ang na Panitikan at Balarila ayon sa lebel na impormatibo, kritikal at ebalwatibo. Mas mababa ang akademik performans ng mga mag-aaral sa Balarila kaysa Panitikan. Inirerekomenda na     ang guro ay kailangan maging malikhain sa pagpili at paggamit iba’t ibang dulog o estratehiya na kanilang gagamitin sa pagtuturo sa panahon ng bagong karaniwan lalo’t patuloy na nag-iiba ang paraan ng pagkatuto ng mag-aaral dahil sa pandemya. Kaugnay nito sa paggamit ng iba’t ibang dulog mas mainam na guro ay gumamit ng Information and Communication Technology (ICT)upang maihatid sa mga mag-aaral ang kaalaman sa kabila ng distansiya nila sa paaralan at limitadong paggabay ng guro. Magsagawa ng mga video lesson, podcasting at online mediation tulad ng birtwal class,sa mga nasa modular distance learning sapagkat sa hindi nakaasa ang buong pagkatuto ng mag-aaral sa modyul mas makabubuti kung may pagkakataon na aalamin ang mga paksang nahihirapan ang mag-aaral upang makapagbigay input ang mga guro. Magsagawa ng limitadong sesyon pangremedyal sa mga hirap na mag-aaral upang mapaunlad ang mga kahinaang kompetensi ng mga mag-aaral sa panitikan at balarila. Makabubuti rin na paigtingin ang pagsasagawa ng blended learning. Gumawa ang mga guro ng mga kagamitang pampagkatuto tulad video lesson, podcasting, at Strategic Intervention Material (SIM)upang mapaunald ang akademik performans ng mga mag-aaral sa Filipino. 

Article Details

How to Cite
Arabelle D. Jepsani*, Felisa D. Marbella (2021) “Akademik Performans Ng Mag-Aaral SA Filipino SA Baitang 9”, International Journal of Current Research in Science and Technology, 7(09), pp. 78–87. doi: 10.57181/ijcrst.v7i09.43.
Section
Original Research Articles