Rehistro Ng Wikang Filipino: Pagsusuri Sa Pagsulat Ng Techvoc Strand Sa Senior High School

Main Article Content

Rejoice B. Discaya, Felisa D. Marbella

Abstract

Sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (TechVoc) sa Senior High School, hinuhulma ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulatin gamit ang wikang Filipino. Ang isinasagawang pananaliksik ay isang pag-aaral na sumusuri sa paggamit ng rehistro ng wikang Filipino sa pagsulat ng Techvoc Strand sa Senior High School sa 13 na paaralan sa lungsod ng Sorsogon. Magkahalong kuwantitatibo at kuwalitatibo ang uri ng pananaliksik at dokumentari-analisis ang disenyong ginamit sa pagsusuri ng datos. Gamit ang purposive sampling, natukoy ang 12 guro na kalahok at limang mag-aaral sa bawat kursong TechVoc strand na may kabuoang 60 na bilang. Ipinakita sa resulta na hindi gaanong gumagamit ng rehistro ng wika, hindi gaanong mahusay ang paggamit, hindi gaanong nakasusunod sa wastong paraan ng pagsulat at hindi gaanong mahalaga at tumpak ang ginamit na rehistro ng wika ng mga mag-aaral sa kursong Electrical Installation and Maintenance (EIM), Electronic Products Assembly and Servicing (EPAS) at Computer System Servicing (CSS). Lumabas rin na may epekto sa nilalaman, mensahe at istruktura/gramatika at lubhang may epekto sa kaangkupan ng salita ang kinakaharap na suliranin sa pagsulat ng mga sulating teknikal bokasyunal. Isang talaan ang binuo ng mananaliksik bilang tugon sa lumabas na resulta ng pag-aaral. Inirerekomenda na gamitin ang rehistro ng wikang Filipino sa pagsulat ng iba’t ibang sulating teknikal bokasyunal ayon sa kursong strand na kinabibilangan, tiyakin na nakaugnay sa kinabibilangang TechVoc strand ang mga sulatin na ipinapasa ng mga mag-aaral, magkaroon ng pagbabalik-tanaw sa morpolohiya at siktaksis bago ang pagpapasulat ng iba’t ibang sulatin sa mga mag-aaral, bumuo ng karagdagang kagamitan sa tiyak na kursong TechVoc strand upang maging sanggunian at magsagawa na iba pang pag-aaral na may kaugnay sa rehistro ng wikang Filipino ng mga kursong TechVoc strand.

Article Details

How to Cite
Rejoice B. Discaya, Felisa D. Marbella (2021) “Rehistro Ng Wikang Filipino: Pagsusuri Sa Pagsulat Ng Techvoc Strand Sa Senior High School”, International Journal of Current Research in Science and Technology, 7(08), pp. 67–77. doi: 10.57181/ijcrst.v7i08.42.
Section
Original Research Articles